TopMenu

Friday, April 26, 2013

Bob Ong Quotes Collection Part 1

Alam mo ba ang pinagkaiba ng mga bulag at ng mga nakakakita? Hindi alam ng mga nakakakita kung kelan sila bulag.

Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao kapag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.

Ang liit at laki ay nasa isip lang. Bakit kami nina Bubuyog at Gagamba, may naipundar din kami kahit papano. Nasa pagsisikap lang ‘yan ng tao.

Ang tenga kapag pinagdikit, korteng puso. Extension ng puso ang tenga. Kaya kapag marunong kang makinig, marunong kang magmahal.

Ang babae, nirerespeto, inaalagaan!Hindi yan PSP na bubunutin mo lang sa bulsa pag gusto mo ng paglaruan.Hindi yan IPOD na papakinggan mo lang kapag wala kang libangan.At hindi yan RED HORSE na pwede mong laklakin hanggang madaling araw.Ang babae, marami mang arte sa katawan, hindi yan gadget para kolektahin at paglaruan.

Ang kapangyarihan ay tatagal lang ng ilang taon anim, sampu, dalawampu.... pero ang impluwensya daang taon.

Ang pag ibig parang imburnal. Nakakatakot mahulog at kapag nahulog ka, it's either by accident or talagang tanga ka.

Ang pagkitil sa sariling buhay ay karapatan lamang ng mga taong gumagamit ng celfone at nakikipagkwentuhan sa loob ng sinehan.

Ang tamang bagay saka tamang panahon wala na ring saysay kapag wala na yung tamang tao. Ang tao, pwedeng mag adjust, pero ang bagay at panahon, hindi.

Ano namang mapapala mo kakaisip sa nakaraan at sa mga pwede pang mangyari? wala knaman sigurong super powers para maibalik ang nakalipas na. Dapat matuto kang pahalagahan ang mga nangyayari sayo sa kasalukuyan. Isipin mo yung ngayon. I enjoy mo lang ang buhay. Wag kang emo. Hindi ka talaga magiging masaya kung di mo tutulungan ang sarili mo. Natural lang na makaramdam ng lungkot paminsan minsan pero ang pagiging miserable? Wag kang hibang choice mo yan.

Ano ang talino kung walang disiplina?

Ayos lang lumaki nang lumaki, magpatangkad, at tumanda nang walang natututunan– kung puno ka! pero bilang tao, may karne sa loob ng bungo mo na nangangailangan ng sustansya. maraming pagkakataong kakailanganin mong sundutin yon. at sa bawat sundot, tulad ng sundot kulangot, mas maigi kung may kapaki pakinabang kang makukuha.

Dalawang dekada ka lang mag aaral. kung di mo pagtitiyagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. Sobrang lugi. Kung alam lang yan ng mga kabataan sa pananaw ko ay wala ng gugustuhing umiwas sa eskwela.

Ganyan talaga ang mga tao, pipihit-pihitin ang katotohanan hanggang sa sumang-ayon na ito sa kumportableng posisyon ng mga makasarili nilang puso.

Gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sa iyo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.

Hell ang high school. Cool.

Hikayatin mo lahat ng mga kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang na paboritong libro sa buhay nila dahil wala nang mas nakakaawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa

Hindi ako naniniwalang kailangan ng tao mangarap dahil gusto nya ng pera o gusto nyang sumikat o gusto nya ng impluwensya. Side effects na lang ang mga ‘to, tingin ko. Nangangarap ang tao dahil binigyan sya ng Diyos ng kakayahang mangarao at tumupad nito. Tungkulin nyang pagbutihin ang pagkatao nya at mag –ambag ng tulong sa mundo. At wala na siyang iba pang magagawang mas malaking kasalanan bukod sa talikuran ang tungkuling iyon at hindi bumili ng libro ko.

Hindi ako takot na malaman ang pananaw nila, dahi sa huli opinyon ko rin naman ang masusunod.

Hindi ba malaking pagkakamali ng maraming eskwelahan na gawing 0 to 10% lang ang ‘character’ sa computation ng grades gayong Character ang humuhulma sa tao, pamilya, bansa, mundo at kasaysayan?

Hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan.

No comments:

Post a Comment