Bob Ong Quotes Collection Part 2
Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.
Hindi naman lagi iiyak ang mundo para lang sa isang tao.
Hindi naman yung taong mahal mo ang mahirap kalimutan nung nawala siya sa'yo eh... Kundi yung taong naging ikaw dahil sa kanya.
Hindi porke pinili ka niya ngayon eh ikaw na talaga ang mahal niya. Siguro he just took you for granted kasi ayaw sa kanya nung mahal niya.
Hindi porke't madalas mong ka chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa fall o paasa.
Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.
Huwag kang matakot magmahal ulit, hindi naman lahat ng tao katulad niya
Huwag mong maliitin ang kakayahan mong tsumamba.Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.
Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka.
Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.
Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.
Huwag mong maliitin ang kakayahan mong tsumamba.
Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.
Iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala.
Imbis na magtanong ka ng ‘Hindi pa ba sapat?’, bakit hindi mo na lang kalimutan ang lahat? Kung alam mong binabalewala ka na, tanggapin mong nagsasawa na s’ya.
Kahit ikaw ay parang bato na manhid at walang pakiramdam, mag ingat ingat ka naman. dahil kahit ganyan ka, hindi nasasaktan, kaya mo namang makasakit.
Karapatan kong madapa at bumangon sa buhay nang walang tatawa, magagalit, magtatanong, o magbibilang kung ilang beses na ‘kong nagkamali at ilang ulit ako dapat bumawi.
Kulang ba tayo sa pagmamalaki? Ito ba ang dahilan kaya pinalitan ng Philipine Eagle ang maya bilang pambansang ibon? May mali nga ba sa mga simbolo ng ating kasarinlan at idelohiya?
Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan.
Kung ako ay isang walang kwentang manunulat, english ang isusulat ko, para kahit anu anu ang sabihin ko hindi na nila mahahalata.. kaya nga ako nagsulat sa tagalog para maintindihan ng mambabasa ang lahat ng sinasabi ko.
Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa.. kasi, hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.
Kung di ka kayang suklian ng taong minamahal mo, siguro ay wala talaga syang barya kaya wag kang magbigay ng buo.
Kung di mo alam kung sino ka, paano mo maipagmamalaki ang sarili mo?
Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.
Kung gusto mo matawa, dapat paminsan-minsan magpakababaw ka rin. Wag nga lang sobra.
Kung gusto mong maging musikero, sige lang. Pintor, ayos! Inhinyero, the best! Kung gusto mo maging teacher, pilitin mong maging teacher na hindi makakalimutan ng estudyante mo. Kung gusto mong maging sapatero, maging pinakamahusay kang sapatero. Kung gusto mong maging karpintero, maging pinakamagaling kang karpintero. Kung gusto mong maging tindero ng balut, wag kang dadaan sa harap ng bahay naming para mambulahaw sa gabi kung ayaw mong masaktan!
Kung kabayo gagawa ng libro mahirap maging palaging politically correct para sa mga damo.
Kung maghihintay ka lang ng lalandi sa’yo, walang mangyayari sa buhay mo. Dapat lumandi ka din.
Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!
Kung nakikita mo na ang dahilan mo para sumuko... huwag mo na lang tingnan.
Kung pumapasok tayo sa eskwela para lang makahanap ng trabaho at kumita ng pera balang araw, di na nakakapagtaka kung bakit marami ang namamatay na mangmang. Nakalimutan na ng tao ang kabanalan nya, na mas marami pa syang alam kesa sa nakasulat sa transcript of records nya, mas madami pa syang gawin kesa sa nakalista sa resume' nya at mas mataas ang halaga nya kesa sa presyong nakasulat sa payslip nya tuwing sweldo.
Kung wala kang alam sa buhay ng dalawang tao o kahit pa man ay alam ka sa isa sa kanila, wala ka pa rin sa tamang lugar para lagyan ng kahulugan ang mga kilos nila.
Lahat naman ng tao sumeseryoso pagtinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.