Post

Bob Ong Quotes Collection Part 3

Madalas ang wrong send ay hindi naman talaga wrong send at ang blank text ay hindi naman talaga napindot lang...ganyan mag papansin ang ayaw mag first move.

Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher.

Mahihina pa ang mga katawan natin ng una tayong pumasok sa eskwela. Mahihina na tayo pagkatapos nating magretiro sa trabaho. Lumalabas tayo ng bahay papasikat palang ang araw. Bumabalik tayo ng bahay, papalubog na ito.

Mahirap magmalasakit sa buong mundo habang natitisod ka sa mga nagkalat na pulubi sa sarili mong bansa.

Mahirap magpatupad ng batas, pero madali maghanap ng violations kapag oras na ng sisihan.

Mahirap paaminin ang ayaw umamin. Pero madaling mapansin ang ayaw niyang aminin.

Mahirap pumapel sa buhay ng tao lalo na kung hindi ikaw ang bida sa script na napili niya.

Maitim man o maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao'y magkakapantay; mangyayaring siya'y higitan sa dunong, sa yaman, sa ganda, ngunit di mahihigitan sa pagkatao.

Makakapagbago ka lang kung kaya mo nang aminin na hindi mo mapagkakatiwalaan ang sarili mong pag-iisip, dahil ito rin ang nagtutulak sa 'yo sa bisyo.

Mangarap ka at abutin mo ito. wag mo sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta o mga lumilipad na ipis… kung may pagkukulang sayo ang magulang mo, pwede kang manisi at magrebelde, tumigil ka sa pag aaral, mag drugs ka, magpakulay ng buhok sa kili kili… sa bandang huli, ikaw din ang biktima… rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili…

Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa’yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag aaral, mag asawa ka, mag drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili.

Marami na ang ayaw sa Pilipinas pero walang nagtatanong kung gusto sila ng Pilipinas.

Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala.

Mas madaling manahimik. Mas ligtas magtago ng opinyon. Mas kumportableng hindi magsalita. Pero may mga tao noon na hindi nakuntento sa mga “mas” na yan.

Mas madali pang ulitin ang isang subject kesa maghunting ng teacher para magcompletion.

Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad koMasuwerte ako dahil pinaglaro at pinag aral ako ng mga magulang ko nung bata pa 'ko. Hindi pala lahat ng bata e ay dumadaan sa kamusmusan.

Merong matigas.. merong malambot.. merong tuwid..merong kulot.. merong buo..merong durog.. at merong mga taong hindi basta basta lumulubog!

Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.

Minsan kelangan mo ng lakas para sabihing mahina ka.

Minsan, kailangang ituro ng mnundo sa’yo ang tama sa paraang masasaktan ka para matandaan mo.

Muntik akong madisgrasya paglabas ng eskwelahan, wala ako sa sarili.Doon ko lang nalaman na ganon pala ang college. Gaguhan.
Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.

Nalaman kong hindi pala exam na may passing rate ang buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration, o fill-in-the-blanks na sinasagutan, kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga naisulat o wala. Allowed ang erasures.

Nalaman kong mali ang laging mamigay ng pad paper sa mga kaklaseng linta na hindi bumibili ng paper kahit may pambili.

Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo pag nag drop ka. Isa isa tayong ga graduate, iba’t ibang paraan. Tanging diploma ay ang alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan.

Nalaman kong maswerte ako dahil pinaglaro at pinag-aral ako ng mga magulang ko nung bata pa ako. Hindi pala lahat ng bata e dumadaan sa kamusmusan.

Naniniwala ako sa isang prinsipyo sa psychology na nagsasabing para makuha mo ang gusto mo, kailangan nkatatak ito sa isip mo ng buong buo. VISUALIZED..

Natawa ka man o nandiri sa pagkaing may kakaibang pangalan, isang patunay lang yan na apektado ka ng salita.

Paano ko sila pasasalamatan kung ngayon ko lang naintindihan ang mga itinuro nila?

Disclaimer

Medyo Pinoy is just a collection of quotes, lines and jokes that are intended for the joy of readers. We do not any of these unless stated in our post. All these lines are protected by their owners. If you think you shall be credited for certain posts, feel free to contact us.
Powered by Blogger.

Tags