Post

Fliptop-Best BLKD Lines


BLKD Profile and Trivia
HOMETOWN: Naic, Cavite
REPPIN: The Pharm, Batch 1, 3LC
KNOWN FOR: heavy bars, haircut, thick eyeglasses, activist, uses "malalalim na tagalog", UP Diliman graduate
FAMOUS LINE: Marami pa akong ipagkakamali kasi nga bago lang. Minsan nga parang tanga lang, kasi nga tao lang.
 
BLKD vs 2khelle Video Battle Link

kilala ang bayan mo bilang maunlad na bayan sa may kalayuan
pero ung katulad mo kumikita sa pagpapa-alila sa dayuhan

basta puti at may pera , dinodiyos mo?
pareho kayo ni noynoy,kasi kano ang boss mo

eto talaga ung kargador sa barko, hindi sa target
smuggler to ng ukay-ukay sa subic black market
at sa tungga ito'y sumasabit, alam niyo ba kung baket?
siya ung natagpuan ni andrew e. nung humanap siya ng panget

nagsuot ako ng salamin para makita kita ng malinaw
kaso tinanggal ko ung lens kasi ung talento mo di nakakasilaw

tinawag mo akong negrito wala akong pakialam
pangalan mo (2) two kasi sa laban na to ako ang number one

balak mong laban ay five on one
kung nagkataon ay 5 jejemon ang binaon ko live on cam

ano? masakit na ba? iiyak ka na? aruy!
mag-google ka, magresearch ka para matuto ka baduy!

at wala namang premyo dito alam ko kung bakit ka lumahok
gusto mo kasing singhutin ang KAMANDAG ng aking TOMAHAWK
wanna be LOONIE at DELLO hindi naman nakakaaliw
sa susunod wag kang TAMAD (juan lazy) pag may haharapin kang BALIW (harlem)
walang pinagkaiba ang freestyle mo kay SILENCER
at dahil wanna be DC clan ka ikaw ang gagawin kong TARGET ng aking CALIBER
dahil if you look (LUKE) harder malawak ang GAP sa ating talento
at may binanggit akong dalawang wack battlers na mas magaling pa sayo
kung hindi ka alerto dahil para akong BATAS ng DATU
hindi mababali kahit na ng buo mong crew
tinanggap ko lang ang laban nating to dahil i have NOTHINGELSE to do

BLKD vs Sayadd Video Battle Link

estudyante ka pala ng accountacy
pero katangahan mo sa math ay legendary
ung rapping skills mo ay square root ng negative one, imaginary

scholar ako ng up dahil di ako bobo like you
kinulang na nga sa melanin, kinulang pa sa IQ

wala pang t'yak na hanapbuhay gumawa na ng supling
para lang makaraos nagsasanla ka sa tambunting

pag dating sa family planning marami naman sanang paraan
wag lang daw withdrawal sabi ni misis kasi mabilis siyang labasan

sayang di ako naghanda para sa ot kasi hindi na kelangan, pwede bang mag-appeal?
hindi to overtime ang tawag dito overkill

kapag ako nagrap, Fliptop
titiwarik ang iyong utak

next father's day remind me if I forget to say
dahil araw niyo babatiin kita ng Happy Mother F*ucker's Day

BLKD vs Krack

panget! Sa panget mong yan alam kong virgin ka pa rin
kahit kabitan pa kita ng sidecar single ka pa din

ako dumurog sa Tectonics
bakit ako matatakot sa Crack (Krack)

damhin mo ang Sting
eto'y rapmatch hindi beermatch kain itong CRACKling

eh ano kung nagsulat eto ay modern Fight
d ka nagsulat kasi ikaw ay no read no write

pusher to ng coke hindi ung drugs, ung inumin
patago pa magdeliver kala mo titimbungin

naglalabas ng armas agad agad pag napahamak
patagilid pa tong tumira, tirador naman ang hawak

parang GOMBURZA nung ginarote
sa Trece Martires ikaw ang pandadagdag ko pangkatorse

ako’y CAVITEnyong maLAGUNA ang impluwensyang lirikal
BATANG-GAS ang laway, apoy ng dilay ko’y kritikal
malaRIZAL at QUEZON ang pagmamahal ko sa wika
akin ang CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon Province)
wala ng makakabawi pa

BLKD vs Shehyee

oo nga nakabag ako walang pakialamanan
mayamaya dito ko isisilid yang utak mong walang laman

ang lakas mo maghamon eh wala ka namang panama
eh rap mo sa ligang ito parang mukha mo, mababa

oo na mestizo ka na wag mo nang ipagmalaki
malaki ang tsansa na isa sa mga lola mo'y na-rape lang ng prayle
ako'y kutis pawis katipunero at mapapaiyak ko na to
kapag tinadyakan kita sa KIDNEY, yun ang Biak na Bato

Ito'y labang mental di pisikal
di ito NCAA o UAAP
At sa lahat ng hiphop elements, talo ang Beda ng UP...
Just to rub it in, Finals niyo quiz lang namin

at tawagin mo na ang ilang mong Bedan friends para meron kang shoulder to cry on
sa talim ng tula ko, duguan ka,literal na red lion (san beda red lions)

at sa bagong UP admin , tanggalin nyo na ang tuition fee namin .
dahil ang edukasyon ay karapatan
at upang magpatuloy ang pagmutawi ng mga dukhang matatalino at hindi ang mga tulad nitong conyong mangmang

hindi ka magaling na rapper, hindi ka tunay na hiphopper, wala kang paglalagyan
mabuti pa ilako mo yang flawless ngunit talentless mong katawan

BLKD vs Apekz

Ito na ang pagbabalik at ang pagpapaumanhin kong matino
Ang labang ‘to ay alay ko sa lahat ng aking nabigo
Marami pa akong ipagkakamali kasi nga bago lang
Minsan nga parang tanga lang, kasi nga tao lang

Pang-short time lang ba yung jowa mo o sya na ba yung pang-kasal?
Sa dami mo kasing babae, parang bagsak presyo ng laman
Pilyo ka lang talaga, kalibuga’y inaksyon mo.
Tuloy hindi mo mabanlawan ang matsa sa relasyon ‘nyo

Ano daw? Ang sabi ko.
Pang-short time lang ba yung jowa mo o sya na ba yung pang-kasal? (Ocean)
Sa dami mo kasing babae, parang SALE ng laman (Sale, Sail)
Naughty ka lang talaga, kalibuga’y inaksyon mo (Naughty, Nautical)
Tuloy hindi mo ma-rinse, ang matsa sa relasyon ‘nyo (Rinse = Banlaw / marines=marino)

Ta’mo hanggang freestyle ka lang, lalim ko karagatan ‘to (freestyle, karagatan)
kaya kahit seaman ka pa, lulubog ka sa Barko.  (Seaman, Barko = BAR ko)

Alam kong titirahin nya ang aktibismo ko, syempre! As If ito’y kapintasan
Pagtatawanan ang pagrarally, sabik naman sa pakinabang
Pwes pasensya ka na ha kung di ako tulad mo na ang buhay eh umiikot lang sa laughter at pikunan
Ang pangunahin ko kasing kabattle ay ang ‘Kanser ng Lipunan’

Hands down! ako’y guro na ika’y mag-aaral pa.
Binigyan kita ng palakol kaya bagsak na mark ka!

Yung huli nyang bars babarahin kolang yan.kaya bagsak marka ko partida na nga yun kasi half day lang 70 lang grade ko edi kung whole day yun 140 na grade ko

Ahahahah #sinio

Disclaimer

Medyo Pinoy is just a collection of quotes, lines and jokes that are intended for the joy of readers. We do not any of these unless stated in our post. All these lines are protected by their owners. If you think you shall be credited for certain posts, feel free to contact us.
Powered by Blogger.

Tags